Saturday, March 29, 2008

Juan tamad.

Hay salamat at weekend na naman.

Karaniwang naisasambit ko sa aking sarili kapag Biyernes na ng hapon o gabi. Bakit nga ba ako excited kapag weekend? Dahil siguro makakapagpahinga na ako... magagawa ko na ang mga gusto ko.. maraming ME time para sa sarili ko.. at higit sa lahat, pwede akong magtamad-tamaran.

Madalas ganoon ang pakiramdam ko at tuwing Linggo na ng gabi, nalulungkot ako kasi alam kong papasok na naman ako sa opis at 5 araw na naman ang bibilangin ko bago maging weekend. 5 araw na naman akong magtitiis at pilit na magtatrabaho sa harap ng computer ko. Pero teka, hindi ako TAMAD tulad ng naiisip nyo. Hindi ko nature yun, at alam ko yun sa sarili ko. Siguro nawawalan lang ako ng gana magtrabaho. Maraming dahilan at maraming factor ang nakakaapekto sa akin kung bakit ganito ako. Pero hindi siya more on personal reasons, sabihin na nating more on sa side ng company ang problema. Ayokong banggitin isa-isa ang mga flaws na nakikita ko sa company na pinapasukan ko ngayon. Alam kong hindi sila perpekto pero kasi sobra na ang diperensyang nakikita ko ngayon. Sobra na, kaya sana tama na. Ang mabuti pang gawin nila ay ayusin ang kanilang sarili sa lalong madaling panahon. Marami na kasing empleyado ang umalis sa department namin mula nang ako'y pumasok dito. At hanggang ngayon ay patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga umaalis. Haaay.. Ako'y isang concerned employee lamang at kung sa tingin ko ay wala naman silang aksyon na ginagawa, mabuti pang ako na lang ang umalis dito at lumipat.

Hindi naman sa bina-bash ko ang company na pinapasukan ko ngayon. Ito lang kasi ang isang paraan na alam ko kung paano ilalabas ang sama ng loob ko sa kanila. At hindi rin naman ibig sabihin nito ay puro negative na lang sila sa akin. Marami rin namang magandang bagay ang nangyari sa akin dito. Teka, teka, saka na ako mag-e-elaborate kapag tuluyan ko nang lilisanin ang company na ito no. Baka sabihin nyo pang bitter ako ngayon. Haha. Ang totoo nyan, ang entry na ito ay nagsisilbing isa lamang sa mga "pabuga" ko, at sana through this gumaan na kahit konti ang loob ko.

Image Hosted by ImageShack.us
Ayon kay MeL ika- 3:24 AM |  
Kategorya: ,

3 ang lumukso:

Subscribe to: Post Comments (Atom)