Monday, March 17, 2008

Manyak.

Sa wakas ay na-setup ko na rin ang hosting para sa .info kong domain. Ang susunod na hakbang na aking gagawin ay ang pag-aayos sa hitsura ng aking blog. Papalitan ko pa ang header ko at gusto kong magmukhang simple at maayos ito. Puti at itim/gray ang magiging theme ng aking blog at sa aking pag-eestima, pagkatapos ng Mahal na Araw ko pa matatapos ang lahat ng ito.

~`o`~

Kaninang umaga, pakiramdam ko ay naisahan ako at sobra akong nabastos. Tuwing papasok ako sa trabaho, sumasakay ako ng dyip (o pwede ko rin namang lakarin), sumasakay ng bus, at isa pang jeep patungo sa opisina na aking pinagtatrabahuhan. At eto ngang sa unang dyip na sinakyan ko, maiksi lang ang byahe patungo sa sakayan. Katabi ko sa kanan ang isang ale na may edad na. Sa aking kaliwa naman ay isang mamang naka-orange na polo, khaki pants, at afro-like ang kanyang buhok. Malapit na akong bumaba kaya dumungaw ako saglit sa labas ng dyip. Aba'y nag-jerk off ako nang naramdaman kong parang hinawakan ang aking kaliwang dibdib. Nilingon ko ang mamang afro at tinignan ko sya ng masama. Parang normal lang sa kanya ang nangyari. Iniisip ko nung mga oras na yun kung hahampasin ko sya ng aking dalang payong o sisigaw ako ng "Ang bastos mo.", kaso bago pa ako nakapagdesisyon kung ano ang gagawin ko sa kanya, bigla syang bumaba ng dyip at naglakad palayo. Sinundan ko sya ng tingin at bumaba na lang din ako pero sa kabilang direksyon naman ako nagpunta.

Grabe ang mga lalaking katulad niya. Mga bastos at walang pinag-aralan. Bahala na ang karma sa kanya. Kaya mag-ingat kayo, mga dear, lalo na ang mga babae dahil marami talagang masasamang nilalang sa paligid. Pangalawang karanasan ko na ito sa mga lalaking bastos. Noong isang taon naman nangyari sa akin ang pambabastos ng isang exhibitionist. Sa aking pagkakaalala, noong Pebrero lamang yun nangyari. Update nga pala tungkol sa mamang exhibitionist, marami pala talaga syang pinagpapakitaan ng kanyang ari sa daan. Madalas na binibiktima nya ay mga babae. Wala syang patawad kasi kahit grupo pa kayong mga babae ay walang hiya nyang ipapakita ang kanyang ari sa inyo. May babaeng naglakas-loob na ipa-blatter sya. At balita ko ay di rin naman sya nahuli. Napakawalan din sya ngunit mukhang hindi na nya magagawa ang kanyang "fetish" kasi gabi-gabi ay may mga security guard na rumoronda na sa paligid ng opisina namin. So to everyone out there, be street smart, ok. Para hindi makaranas ng mga kababuyan at kahayupan sa daan. Mag-ingat kayo lagi. :)
Image Hosted by ImageShack.us
Ayon kay MeL ika- 8:45 PM |  
Kategorya: ,

1 ang lumukso:

Subscribe to: Post Comments (Atom)