Friday, May 9, 2008

Kung bakit...

Sorry at nawala ako ng medyo matagal. Pero eto, kakatapos ko lang maglinis at magtanggal ng spider webs sa paligid nito. Haha. So ano ang aking pinagkaabalahan? Marami, actually. Andyan ang naglipat kami sa bagong bahay - apartment to be specific; andyan yung naging busy talaga ako both sa work at sa mga planong investments; andyan rin yung pag-rent ko sa isang place malapit sa workplace ko. Basta marami!

Pero ikukwento ko sa inyo kung bakit bigla akong nag-rent malapit dito sa office namin. Una sa lahat nahirapan na ako sa schedule ko. Since wala na kaming pasok tuwing Sabado, kelangan namin mag-extend every weekdays para ma-compensate ang suppose-to-be Saturday working day namin. At dahil mag-eextend nga kami, kelangan ko pumasok ng super aga para di ako gabiihin at mahirapan sumakay pauwi. Well, pauwi naman ay parati akong nagbu-bus dahil yun lang ang tanging paraan para makauwi ako dahil dadaan pa iyon sa hi-way.

Pero ang problema ay ang BUS. nabalitaan nyo bang tinanggal sa daan ang mga colorum buses? Apektado yung mga bus na sinasakyan ko papasok. At dito nga sa Manila, pinatanggal na ng tuluyan ni Mayor Lim ang mga colorum at provincial buses na walang permit dumaan doon. Nun natanggal naman sila, ang mga natirang bus na ay ang mga kakarag-karag at bulok na buses. At eto pa, yung tipong kapag sumakay ka doon ay mga mukhang hoodlum at masasamang tao ang kasakay mo. Mula noon, it left me no option but to rent na nga malapit sa office.

Ngayong araw na ito ay kasalukuyang 2 linggo na akong umuupa at tumitira mag-isa. Kakaiba pala ang feeling kasi madalas ko ma-miss ang pamilya ko, di ko na magawa ang mga dati kong ginagawa sa bahay (yun ay ang manood ng magdamag; kainin ang pagkaing ihahain sa akin at makikita ko sa ref; ilalagay sa kwarto ang mga pinaghubarang damit; at marmai pang iba). For short, limited na ang mga kilos ko. Maaga na nga rin akong matulog at magising dahil wala naman akong gagawin kapag nakauwi na ako.

Kaya nga pakiramdam ko ay sobra-sobrang adjustment ang ginagawa ko ngayon. I'm struggling actually to cope up with the changes in my life. Sana naman doon sa bagong aparment na lilipatan namin ay ok ang paligid. Nun nagpunta kasi ako doon kasama ang ate ko, parang may mga nakatambay sa kalyeng dadaanan ko (pero mukhang bata pa) na disente naman kahit paano ang hitsura. Siguro kailangan ko lang sanayin ang sarili ko. Napahaba na yata ako sa kwento ko. This is enough for the day na muna. Kukwentuhan ko kayo ulit sa next post ko.

Image Hosted by ImageShack.us
Ayon kay MeL ika- 2:37 PM |  
Kategorya: , , ,

3 ang lumukso:

Subscribe to: Post Comments (Atom)