Saturday, March 29, 2008

Juan tamad.

Hay salamat at weekend na naman.

Karaniwang naisasambit ko sa aking sarili kapag Biyernes na ng hapon o gabi. Bakit nga ba ako excited kapag weekend? Dahil siguro makakapagpahinga na ako... magagawa ko na ang mga gusto ko.. maraming ME time para sa sarili ko.. at higit sa lahat, pwede akong magtamad-tamaran.

Madalas ganoon ang pakiramdam ko at tuwing Linggo na ng gabi, nalulungkot ako kasi alam kong papasok na naman ako sa opis at 5 araw na naman ang bibilangin ko bago maging weekend. 5 araw na naman akong magtitiis at pilit na magtatrabaho sa harap ng computer ko. Pero teka, hindi ako TAMAD tulad ng naiisip nyo. Hindi ko nature yun, at alam ko yun sa sarili ko. Siguro nawawalan lang ako ng gana magtrabaho. Maraming dahilan at maraming factor ang nakakaapekto sa akin kung bakit ganito ako. Pero hindi siya more on personal reasons, sabihin na nating more on sa side ng company ang problema. Ayokong banggitin isa-isa ang mga flaws na nakikita ko sa company na pinapasukan ko ngayon. Alam kong hindi sila perpekto pero kasi sobra na ang diperensyang nakikita ko ngayon. Sobra na, kaya sana tama na. Ang mabuti pang gawin nila ay ayusin ang kanilang sarili sa lalong madaling panahon. Marami na kasing empleyado ang umalis sa department namin mula nang ako'y pumasok dito. At hanggang ngayon ay patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga umaalis. Haaay.. Ako'y isang concerned employee lamang at kung sa tingin ko ay wala naman silang aksyon na ginagawa, mabuti pang ako na lang ang umalis dito at lumipat.

Hindi naman sa bina-bash ko ang company na pinapasukan ko ngayon. Ito lang kasi ang isang paraan na alam ko kung paano ilalabas ang sama ng loob ko sa kanila. At hindi rin naman ibig sabihin nito ay puro negative na lang sila sa akin. Marami rin namang magandang bagay ang nangyari sa akin dito. Teka, teka, saka na ako mag-e-elaborate kapag tuluyan ko nang lilisanin ang company na ito no. Baka sabihin nyo pang bitter ako ngayon. Haha. Ang totoo nyan, ang entry na ito ay nagsisilbing isa lamang sa mga "pabuga" ko, at sana through this gumaan na kahit konti ang loob ko.

Image Hosted by ImageShack.us
Tuesday, March 25, 2008

23 @ March 25

It's my birthday today! At taos-puso akong nagpapasalamat sa mga taong bumati sa espesyal na araw na ito. Sobrang pinasaya nyo ako sa mga mensahe nyo. Pramis! At kahit na ilang ulit nyo na akong nililigiwan para ilibre ko kayo (kilala nyo na kung sino kayo), saka na lang ha? Poorita ako ngayon, maniwala kayo. Hindi nga ako maghahanda sa kaarawan ko ngayon eh. Baka sa weekend na lang kasama ang pamilya ko, mga kaibigan at kamag-anak ko rin syempre.

Sa darating na Sabado, gusto ko maging unique naman ang mga handa ko. I want to do it the Korean way! Since may Sam Gyup Sal sauce sa bahay courtesy of Ate Irene, bka isa yun sa special dishes ko sa Sabado. Bibili lang ako ng lettuce sa Quiapo, at liempo na iihawin o lulutuin, at gagawa lang ng sauce para sa karne - olive oil na may salt and pepper. Ayan, may isang dish na ako. Haha. Nandoon din syempre ang seaweed soup! Pwede bang mawala yun sa bertday ng isang Korean?! Ano pa bang masarap ihanda? Korean beef kalvi.. ayun masarap din yun! Naglalaway na ako dito ngayon habang iniisip ko ang mga pagkain na ihahanda ko.

Gusto ko rin syempre ng cake sa bertday ko no. Bibili ako ng malaking cake kasi alam kong malakas kumain ang mga tao sa bahay. Tapos may wine (for dinner) at fruit shake (sa mga taong ayaw maglasing) para ma-feel ang summer lalo. Pero kahit na walang magarbong handaan, ayos lang sa akin yun. Hindi naman ako after sa pagkain lang. Mula nung nagdaan ang Holy Week, nakapagpahinga nga ako at nakapag-isip isip ng mabuti.

Heto pala ang gawa ni Ageedoodeedum para sa bertday ko,

Image Hosted by ImageShack.us
Thank you sobra, Ags! Pinasaya mo at pinataba ang puso ko. *mwah*

At heto ang mga pagkain na gusto kong ihanda para naman ma-visualize ninyo ang mga pinagsasabi ko kanina.



Sam Gyup Sal (bacon will do, too); mga side dishes yung nasa picture din.





Seaweed Soup





Korean beef calvi (uber sarap nito!)




Sana ganito nga ang magiging cake ko. Wala nga lang yung "Happy Retirement". yung cake lang talaga ang gusto ko. Haha.





Fruit shakes at red wine (mmm.. bagay na bagay sa meat)

Kaya ngayong 23 years old na ako, let's toast for a better future! Cheers! :)


Image Hosted by ImageShack.us
Monday, March 24, 2008

Petiks.. not!

Kasalukuyan akong naghihintay ng trabaho galing sa aking boss. Mahirap din pala ang maging petiks sa trabaho kasi kapag nandyan sa paligid mo ang mga bossing, kelangan mo gumawa ng props para mukha kang nagtatrabaho. Nandyan ang mga notebooks at pens na nakakalat sa aking mesa, pindot sa switch (para malipat sa isang CPU naman ang nasa screen ko), o minsan ay naglalagay ako ng headphones para deadma ang dating. May mga windows din akong binubuksan para kunwari may mga nire-research akong bagong topics.

Halos isang linggo na akong nababakante. Wala naman aksing feedback na dumating sa huling program na ginawa ko. At ngayon lang ay bigla akong natanong ng aking manager kung ano raw ang load ko ngayon. Sabi ko yung G11 Keyboard lang at hayun, ang pinakahihintay kong trabaho ay dumating na. Sa akin ipapasa ang isang task galing sa supervisor ko dahil may deadline silang hinahabol for next week.

Deep inside ay nagsusumigaw ako kasi kung bakit naman biglaan ang load ko! Galing ako sa mahabang bakasyon atheto trabaho agad. Pero sabi ko nun sa sarili ko, mula sa araw ng bertday ko (bukas na kasi ang kaarawan ko) ay magsisipag na ako. Magsisipag sa trabaho, sa bahay.. magsisipag na rin gumawa ng bagong resume, magsisipag na maghanap ng malilipatang trabaho.. Marami akong gustong baguhin at ayusin sa kasalukuyan kong estado. Saka ko na ikukwento kapag may free time na ulit ako. O sige, sisimulan ko na munang pag-aralan ang assignment ko.

Image Hosted by ImageShack.us
Ayon kay MeL ika- 12:38 AM | 1 ang lumukso   ang iba pang lumukso
Kategorya:
Saturday, March 22, 2008

Pasko ng Pagkabuhay.

Nakauwi na ako ng Manila kagabi pa. Super pagod ako sa byahe kaya pagdating ko ay nahiga na ako at ayun, dire-diretso na ako sa pagtulog. Late na akong nagising kanina kaya heto, todo ayos ako ng mga gamit ko. May pasok na naman kasi bukas at nakakatamad pang mag-unat ng aking mga buto.

Tinitignan ko ang mga litrato namin from our Pampanga trip. Aayusin ko pa ito ngunit mukhang mukhang sa isang linggo ko pa matatapos i-post ang lahat ng ito. Ire-resize pa kasi isa-isa ang litrato at yung iba pa ay sa cellphone naman galing. So ayun na muna at ipagpapatuloy ko na ang aking pagliligpit dito.

Happy Easter everyone! :)

Image Hosted by ImageShack.us
Tuesday, March 18, 2008

Mamayang gabi na.

Image Hosted by ImageShack.us

Kanina pa nakabukas ang page na ito sa browser ko. Nag-lunch na ako lahat-lahat ngunit wala pa rin akong mailagay dito. Haha. Nagtataka lang ako bakit sa ibang opisina ay half-day lang sila ngayon pero bakit dito sa amin ay hindi. Ang ibang mga manager dito ay nag-file na ng leave kahapon pa lang para masulit ang mahabang bakasyon. May nangibang-bansa at may nag-out of town. Pero mag-out of town din kami. Napag-usapan namin ng mga kasama ko ngayon lang na bukas ng madaling araw na lamang umalis kasi nga karamihan sa amin ay gagabihin sa trabaho. Lintek na mga kompanya yan! Haha.

Sa Pampanga lang naman kami pupunta at ako lang ang tanging babaeng makakasama sa lakad na ito. Pito kaming magkakasama sa bakasyong ito - 6 na lalaki at 1 babae (ako yun!). Doon kami titira sa bahay ng kaibigan namin sa San Fernando, Pampanga. Kapistahan ng kanilang lugar ngayong araw na ito at nanghihinayang ako dahil hindi namin masasaksihan ang masayng pista nila. Hindi ko lang din alam kung may matitira pang pagkain para sa amin dahil bukas pa nga kami makakarating doon.

Noong isang araw pa ako nag-iisip kung anong activities ang pwede naming gawin habang nandoon kami. Aabutin yata kami doon hanggang Sabado kaya mabuti nang lubusin na namin ang aming pagpunta doon. At dahil nga ako lamang ang babae sa grupo, mukhang ako rin ang pinakamasipag mag-organize ng mga activities (sa totoo lang, tinatamad na ako dahil mahirap kausap talaga ang mga kasama ko) kaya heto naghahanap na ako sa internet at nagtatanung-tanong sa mga tao kung anong masayang gawin doon. At heto ang mga nabuo sa aking isip:
  • Zoobic Safari + karting in Olongapo
Image Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us

  • Visita Iglesia (at least 7 churches ang mapuntahan para magdasal)

Image Hosted by ImageShack.us
Sta. Ana Church daw ito na malapit sa SM Pampanga.

  • White Rock Resort (day swimming lang para tipid).
Image Hosted by ImageShack.us
White Rock Beach Hotel sa Zambales.

Sana lahat nang nabanggit ko ay mapuntahan namin. Excited na rin ako kasi unang bakasyon ko ito sa taong 2008. Eh kayo, may mga plano rin ba kayong mag-out of town this year? Saan kayo pupunta? Eh ngayong Holy Week, anong balak nyong gawin? :)
Image Hosted by ImageShack.us
Monday, March 17, 2008

Manyak.

Sa wakas ay na-setup ko na rin ang hosting para sa .info kong domain. Ang susunod na hakbang na aking gagawin ay ang pag-aayos sa hitsura ng aking blog. Papalitan ko pa ang header ko at gusto kong magmukhang simple at maayos ito. Puti at itim/gray ang magiging theme ng aking blog at sa aking pag-eestima, pagkatapos ng Mahal na Araw ko pa matatapos ang lahat ng ito.

~`o`~

Kaninang umaga, pakiramdam ko ay naisahan ako at sobra akong nabastos. Tuwing papasok ako sa trabaho, sumasakay ako ng dyip (o pwede ko rin namang lakarin), sumasakay ng bus, at isa pang jeep patungo sa opisina na aking pinagtatrabahuhan. At eto ngang sa unang dyip na sinakyan ko, maiksi lang ang byahe patungo sa sakayan. Katabi ko sa kanan ang isang ale na may edad na. Sa aking kaliwa naman ay isang mamang naka-orange na polo, khaki pants, at afro-like ang kanyang buhok. Malapit na akong bumaba kaya dumungaw ako saglit sa labas ng dyip. Aba'y nag-jerk off ako nang naramdaman kong parang hinawakan ang aking kaliwang dibdib. Nilingon ko ang mamang afro at tinignan ko sya ng masama. Parang normal lang sa kanya ang nangyari. Iniisip ko nung mga oras na yun kung hahampasin ko sya ng aking dalang payong o sisigaw ako ng "Ang bastos mo.", kaso bago pa ako nakapagdesisyon kung ano ang gagawin ko sa kanya, bigla syang bumaba ng dyip at naglakad palayo. Sinundan ko sya ng tingin at bumaba na lang din ako pero sa kabilang direksyon naman ako nagpunta.

Grabe ang mga lalaking katulad niya. Mga bastos at walang pinag-aralan. Bahala na ang karma sa kanya. Kaya mag-ingat kayo, mga dear, lalo na ang mga babae dahil marami talagang masasamang nilalang sa paligid. Pangalawang karanasan ko na ito sa mga lalaking bastos. Noong isang taon naman nangyari sa akin ang pambabastos ng isang exhibitionist. Sa aking pagkakaalala, noong Pebrero lamang yun nangyari. Update nga pala tungkol sa mamang exhibitionist, marami pala talaga syang pinagpapakitaan ng kanyang ari sa daan. Madalas na binibiktima nya ay mga babae. Wala syang patawad kasi kahit grupo pa kayong mga babae ay walang hiya nyang ipapakita ang kanyang ari sa inyo. May babaeng naglakas-loob na ipa-blatter sya. At balita ko ay di rin naman sya nahuli. Napakawalan din sya ngunit mukhang hindi na nya magagawa ang kanyang "fetish" kasi gabi-gabi ay may mga security guard na rumoronda na sa paligid ng opisina namin. So to everyone out there, be street smart, ok. Para hindi makaranas ng mga kababuyan at kahayupan sa daan. Mag-ingat kayo lagi. :)
Image Hosted by ImageShack.us
Wednesday, March 12, 2008

Una ako.

Isa... dalawa... tatlo... LUNDAG!

May sarili na rin akong domain. Ang saya! :) Maraming salamat sayo sa pagdaan dito sa aking munting bahay sa cyberspace. Alam kong marami na akong blogs pero eto ang pinakaespesyal sa lahat dahil lahat ng naiisip ko - maaring ka-weirdo-han, katatawanan, kalungkutan, at marami pang iba - ang pwede kong isulat at ibahagi sa inyo. Nawa'y magkakilanlan tayong lahat dito sa aking munting paraiso. Hanggang sa muli mong pagbisita. Salamat, kaibigan. :)
Image Hosted by ImageShack.us
Subscribe to: Posts (Atom)