Nasaan na nga ba ako? Hep, andito ako! Na-miss nyo ba ako?.. kasi na-miss ko kayo eh. Haha. Kasalukuyan ko na pala inaayos ang magiging header ng blog kong ito. Ang tagal no? Pasensya na kayo kasi marami akong ginagawa at marami akong blog. Welcome pala
Ate Chique sa blog ko! Special mention ka dito ha. :)
Alam nyo bang super hectic ang naging schedule ng beauty ko noong mga nakaraang linggo. Andyan yung Subic trip namin na nabanggit ko sa nakaraang post ko. At last week lamang ay um-attend kami sa kasal ng close friends namin nung college. Pareho malapit sa aking puso ang bride at groom, at pareho din silang mga kaklase ko at katropa. Naka-witness na naman ako ng isang probinsyang kasal - hindi kasi siya yung typical na kasal kumpara dito sa siyudad. Marami silang pamahiin na sinunod at kung anu-ano pa.
Gusto nyo ba sila makita? Heto, mukha silang masayang-masaya talaga sa kanilang pag-iisang dibdib.

Gusto nyo rin ba ako makita? O eto, sa ayaw at sa gusto mo ilalagay ko pa rin ang beauty ko dito.

Hindi sa akin yang camera ha. Masyado ko lang pini-feel ang DSLR ng kaibigan ko. (Nainggit ako bigla. Haha) Ang camera ko talaga eh yung ginamit pangkuha dito sa larawan na ito.