Tuesday, May 27, 2008

Going to North.

Are you a person on-the-go? Do you love to travel and gain new experiences? If your answer is YES for both questions, then magkakasundo tayo. Apir! :) Based on my title, medyo obvious na gusto kong magpunta sa Northern part ng Pilipinas - in Ilocos Sur and Ilocos Norte, in particular. I've searched carefully and read every details on how to enjoy that trip and I'm proud to say that I've prepared the itinerary draft for our whole Ilocos trip. We've decided to go there the next weekend and spend the entire 4days and 3 nights dishing out new things and new sights to see.

Honestly, I am super excited! But what ruins my mood sa mga ganitong plans is yung mga mahilig mag-backout. I just so hate it (not the person who is backing out). I just hate that attitude - ngayon, OO then bukas, HINDI. And speaking of that, ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Because I've made a head count of my friends who'd like to join this trip but suddenly, they'll tell you they can't. For me, feeling ko naaksaya lang ang time ko and efforts ko sa pag-plan ng entire trip. I mean, yes, walang nag-oblige sa akin na gawin yun pero I put some extra effort to organize this trip (which is suppose to be our get together this summer) then maglalaho lang sya na parang bula. Before, 8 of us have agreed to come but now, it's down to 5 or 4... I guess. What's worse is if it's down to 2 na lang!!

I've learned my lesson before na. I've had the same experience na rin kaya I had to lie low from planning things such as this. But syempre, since we're all working and earning na rin, maybe the thought of organizing out of town trips again will be better compared to my past experience. Well, here it is. It's still the same old attitude pa rin. I know they have reasons.. VALID reasons.. pero sana they didn't agree in the first place. It's a lesson learned again. Next time, I think it will be good if I'd go out alone or with my lovey-dovey na lang. *sigh*

Image Hosted by ImageShack.us
Friday, May 9, 2008

Kung bakit...

Sorry at nawala ako ng medyo matagal. Pero eto, kakatapos ko lang maglinis at magtanggal ng spider webs sa paligid nito. Haha. So ano ang aking pinagkaabalahan? Marami, actually. Andyan ang naglipat kami sa bagong bahay - apartment to be specific; andyan yung naging busy talaga ako both sa work at sa mga planong investments; andyan rin yung pag-rent ko sa isang place malapit sa workplace ko. Basta marami!

Pero ikukwento ko sa inyo kung bakit bigla akong nag-rent malapit dito sa office namin. Una sa lahat nahirapan na ako sa schedule ko. Since wala na kaming pasok tuwing Sabado, kelangan namin mag-extend every weekdays para ma-compensate ang suppose-to-be Saturday working day namin. At dahil mag-eextend nga kami, kelangan ko pumasok ng super aga para di ako gabiihin at mahirapan sumakay pauwi. Well, pauwi naman ay parati akong nagbu-bus dahil yun lang ang tanging paraan para makauwi ako dahil dadaan pa iyon sa hi-way.

Pero ang problema ay ang BUS. nabalitaan nyo bang tinanggal sa daan ang mga colorum buses? Apektado yung mga bus na sinasakyan ko papasok. At dito nga sa Manila, pinatanggal na ng tuluyan ni Mayor Lim ang mga colorum at provincial buses na walang permit dumaan doon. Nun natanggal naman sila, ang mga natirang bus na ay ang mga kakarag-karag at bulok na buses. At eto pa, yung tipong kapag sumakay ka doon ay mga mukhang hoodlum at masasamang tao ang kasakay mo. Mula noon, it left me no option but to rent na nga malapit sa office.

Ngayong araw na ito ay kasalukuyang 2 linggo na akong umuupa at tumitira mag-isa. Kakaiba pala ang feeling kasi madalas ko ma-miss ang pamilya ko, di ko na magawa ang mga dati kong ginagawa sa bahay (yun ay ang manood ng magdamag; kainin ang pagkaing ihahain sa akin at makikita ko sa ref; ilalagay sa kwarto ang mga pinaghubarang damit; at marmai pang iba). For short, limited na ang mga kilos ko. Maaga na nga rin akong matulog at magising dahil wala naman akong gagawin kapag nakauwi na ako.

Kaya nga pakiramdam ko ay sobra-sobrang adjustment ang ginagawa ko ngayon. I'm struggling actually to cope up with the changes in my life. Sana naman doon sa bagong aparment na lilipatan namin ay ok ang paligid. Nun nagpunta kasi ako doon kasama ang ate ko, parang may mga nakatambay sa kalyeng dadaanan ko (pero mukhang bata pa) na disente naman kahit paano ang hitsura. Siguro kailangan ko lang sanayin ang sarili ko. Napahaba na yata ako sa kwento ko. This is enough for the day na muna. Kukwentuhan ko kayo ulit sa next post ko.

Image Hosted by ImageShack.us
Tuesday, May 6, 2008

Boring header.

Ang panget ng site ko! I mean, bukod sa hindi ko na nau-update ng matitinong entries ito, tapos yung color theme nya is black and white, yung header naman ang panget talaga.Di bagay sa Luksong Tinik. Hehe. Pasensya na mga kaibigan, pipilitin kong gumawa this week ng maayos na header kahit wala pa munang kinalaman sa pangalan ng blog ko. Sisimulan ko sya mamayanag gabi.

Maraming salamat din sa mga dumadalo at sumisilip sa site na ito - si Avy, Mommy Yen atyung iba pa (alam nyo na kung sino kayo). Meron akong post nanaburo na sa draft posts ko. Mamaya ipo-post ko na. So ayun muna, at ako'y magbabalik muna sa ginagawa ko. Later dear people...

Image Hosted by ImageShack.us
Ayon kay MeL ika- 6:34 PM | 2 ang lumukso   ang iba pang lumukso
Kategorya: ,
Subscribe to: Posts (Atom)