Sunday, July 27, 2008
from last night's experience
Matagal ko nang naririnig ang iba't ibang modus operandi ng gma tao sa kalye. Pero hindi ko akalain na mararanasan ko ang isa sa mga iyon. These days kasi hindi na ako mahilig gumala. Siguro ganun talaga kapag nagiging mature ka na sa buhay. Haha. Well, going back sa sinabi ko kanina, hindi naman ito nakakatakot na experience. Nagulat lang ako na ang mga taong nasa ganitong pamamaraan ng panlililanlang sa kapwa eh mukhang mga disente rin. Ika nga nila, "Don't judge the book by its cover."
Pauwi na kasi ako nun sa bundok kagabi at habang naghihintay ng masasakyang bus sa isang waiting shed ay may biglang lumapit sa aking lalaki. Mukhang nasa late 30's to early 40's ang tingin ko sa hitsura ko. Naka-laptop bag pa sya (ewan ko lang kung may laman yun), long sleeves na karaniwang sinusuot ng mga pumapasok sa opisina (malinis at mukhang plantsado pa), naka gray pants na pamasok din sa opisina, at black shoes. Naka-gel pa ang buhok nya ngunit may bahid ng katandaan na ang kulay ng buhok nya. Lumapit sya sa akin na animo'y mag-aabang din kuno ng masasakyan. Sabay nagsasalita sya, di ko naman alam na ako na pala ang kinakausap nya.
Sabi nya sa akin, "Grabe, ang dami talagang mandurukot ngayon."
Wala akong imik habang nakatingin sa kanya.
Tuluy-tuloy pa rin sya sa pagsasalita, "Sumakay ako ng jeep galing Sta. Ana tapos kaya pala ako ginigitgit ng mama kasi dinudukutan na pala ako. Eto nga ginawa nya sa pantalon ko o."
Sabay pinakita ang right pocket ng pants nya sa likod. Mabilis ang pangyayari at di ko naman napansin kung nalaslas talaga ang bulsa nya sa likod. Pagkatapos ay nag-aalog na sya ng barya sa kamay nya.
Matapos nun ay biglang sabi nya, "Hello, miss. Baka naman may pera ka dyan pandagdag lang sa pamasahe ko. Nadukutan kasi ako at eto kulang na pera ko."
Ako naman, "Ay wala ho. Pasensya na at sakto lang din ang pera ko para sa pamasahe." Sa loob-loob ko, na-confirm ko na isa siyang huwad na nadukutan kuno. Mababasa mo naman ang killos nya at wala sa hitsura nyang nalulungkot sya o kaya'y nangangailangan talaga sya ng pera.
Nagpumilit pa rin ang loko, "Sige na naman. kahit beinte lang. Kulang talaga ang pera ko."
Since nagsisinungaling naman sya, eh di nagsinungaling na rin ako, "Wala ho talaga eh. Estudyante lang ako." Sa totoo naman kasi, marami akong bitbit. May bag ako na nakasukbit sa balikat ko, may paper bag pa ako sa kanang kamay, at isang mahabang payong sa kaliwa. Kaya kahit gusto ko man syang bigyan sa umpisa ay hindi ko magagawa kasi mahirap dumukot ng pera. And besides, buong 100php ang pinakamaliit na perang dala ko.
Nung alam nyang wala talaga syang mahihingi sa akin, naglakad na lamang sya papalayo at nagsasalita na lamang sya sa sarili nya. Hay, ang mga taong katulad nya. namimili talaga ng mga taong bibiktimahin nila. Sa dinami-daming tao na kasama ko sa waiting shed eh ako pa talaga ang napili nyang hingian ng pera. Dba kasi kung nangangailangan ka talaga ng pera dahil nga nadukutan ka, hihingi ka rin sa ibang tao. Hindi mo na maiisip na nahihiya ka o kung ano man. Tama ba ako? Naku, naku naman talaga ang mga katulad nya. Kaya ingat kayo at wag kayong magpapaloko sa mga taong ganun. Be a street-smart person. :)